Huli sa akto Totoy, Ipinasubo ang Ari sa Dalagita

DINAKIP ANG isang totoy matapos itong ireklamo ng ina ng 14-anyos na dalagin-ding nang mahuli ito sa aktong ipinapasubo ang kanyang ari sa huli kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare Development – Malabon City ang suspek na si John (di-tunay na pangalan), 15, ng nasabing lungsod at nahaharap sa kasong Physical Injuries at Acts of Lasciviousness.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Sun Flower St., ng nasabing lungsod.

Ayon kay Nene, 14, (di-tunay na pangalan) naglalakad siya sa naturang lugar nang bigla itong hablutin ng suspek at dinala sa madilim na bahagi.

“Pinipilit po niyang ipasubo ang kanyang ari, hinubaran niya ako at pagkatapos pinaluhod sa kanyang harap at pinasubo ang ari niya (suspek)”, ani pa ng biktima.

Akto namang napadaan ang ina ng biktima at nakita ang mga damit ng anak na nakakalat sa daan at dito nakita ang ginagawa ng anak sa suspek.

Agad na humingi ng tulong sa mga barangay tanod ang ina ng biktima na naging dahilan ng pagkakadakip kay John.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.