Huli sa akto sa motel Misis at kalaguyo, kalaboso

MISTULANG PINAGSAKLUBAN ng langit at lupa ang isang mister nang mahuli sa malaswang eksena ang kanyang misis at karelasyon nito sa loob ng isang lodge sa San Pedro Extension, sa Davao City.

Ayon kay Romel Mijia, matagal na niyang nararamdaman na iniiputan siya sa ulo ng misis kaya naman lihim na minanmanan si Emma Suarez.

Sa salaysay sa Davao City PNP, nasundan niya ang pagpasok nina Emma at kalaguyong si Renante Marapa, 32-anyos, may-asawa at construction worker, sa Vagounvilla Lodge sa Botarlo, Bunawan, Davao City.

Nagpasama si Mijia sa isang barangay police at kanilang pinasok ang room 24, kung saan inabutan nila ang malaswang eksena ni Emma at Renante.

Gusto mang saktan ni Mijia ang misis ay tila namanhid na ang katawan nito kaya naman pinakulong na lamang sa San Pedro Police Station.

Kasong adultery naman ang inihahanda ni Mijia laban sa kanyang kabiyak.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.