Huli sa akto Mister at kabit, binugbog at sinaksak ang orig

SUGATAN SA saksak at bugbog ang inabot ng isang guro matapos niyang mahuli sa akto ang mister na may kaulayaw na iba sa kanilang kuwarto, kungsaan sinaksak ng kabit at sinaktan ang sariling asawa sa Barangay Lawang Pare, San Jose Del Monte City sa Bulacan.

Sa ulat na isinumite kay Bulacan Police director Sr./Supt. Fernando Mendez Jr., kinilala ang biktima na si Carolina Aquino Durano, 54 anyos, at residente ng Block 3, Lot 94, Barangay Lawang Pare.

Sa salaysay ng biktima kay P/Supt. Raniel Valones, bandang alas-10 ng gabi ng Biyernes nang mahuli niya ang kanyang asawa na si Francisco Durano, 54 anyos, walang trabaho at ang kabit nito na si Irene Mendoza, 39, vendor, at residente ng Sitio Gulod, Brgy. Tigbe, Norzagaray, Bulcan sa kanilang sariling silid na nakahubad at nagroromansahan.

Agad niyang kinumpronta ang dalawa ngunit sa halip na kuluban ng hiya ay siya pa ang sinaktan na kanyang mister at sinaksak naman ng kabit nito sa kanang kamay.

Matapos ang pana-nakit sa biktima, mabilis na tumakas ang dalawa.

Bunsod nito’y agad na ini-report ng biktima ang insidente sa community police action center 5 ng SJDM City Police na nagsagawa ng follow-up operation at nadakip si Mendoza.

Kasalukuyang namang pinaghahanap ng pulisya ang asawa ng biktima habang iniha-handa na ang mga kaso laban sa dalawa.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.