Hukom, Patay sa Aksidente

DEAD ON THE spot ang isang regional trial court judge makaraang maaksidente sa bayan ng Aurora, Zamboanga Del Sur, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Judge Ernesto Maximo Victor Laurel ng Aurora RTC Branch 30.

Ayon sa pulisya, naganap ang aksidente sa National Highway sa Barangay Kahayagan East, pasado ala-5:00. Sakay si Laurel ng kanyang Volkswagen Sedan na may plakang GGV 417 nang mabangga ang Mitsubishi Montero na may plakang KFM 655.

Kinilala ang driver ng Montero na si Victor Francis Benhur Escueta na isinailalim na sa kustodiya ng Zamboanga Police at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.