Hukom na Nagbigay ng TRO kay Echiverri, Kakasuhan

IPAGHAHARAP UMANO ng kaso ng kampo ni Caloocan City Vice Mayor Edgar “Egay” Erice ang isang hukom sa Caloocan City Regional Trial Court (RTC) na nagbigay ng tatlong araw na Temporary Restraining Oder (TRO) kay Mayor Rico “Recom” Echiverri.

Ang ipaghaharap umano ng kasong Ignorance of the Law at posibleng “ma-disbar” ay si Judge Eleonor Kwong ng Caloocan City RTC Branch 128.

Nabigo naman ang tanggapan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo na ihain ang naturang suspension order laban kay Echiverri.

Ayon sa ilang political analyst sa lungsod, mali ang naging desisyon ni Judge Kwong na bigyan nito si Echiverri ng 3 araw na TRO dahil una na itong nabigyan ng ilang buwang TRO ng Court of Appeals (CA) na ayon sa batas ay bawal ang dalawang beses na pag-a-apply ng TRO.

Sinabi ng isang Caloocan City insider na ayaw ipabanggit ang kanyang pangalan, si Judge kwong ay may anak umano na nakatalaga sa legal department ng Caloocan City Hall kaya umano naimpluwensiyahan ito na magpalabas ng TRO na pumapabor kay Echiverri.

Ikinatuwiran ni Judge Kwong na kaya nagpalabas siya ng TRO ay dahil ayaw niyang magkasakitan ang bawat taga-suporta nina Erice at Echiverri na nasa harapan ng city hall na nagpapalitan umano ng mga masasamang salita.

Sa isang panayam kay Robredo ng isang radio station, sinabi nito na walang bearing ang ipinalabas na TRO ni Kwong dahil nabigyan na si Echiverri ng TRO ng Court of Appeals (CA), na ayon sa batas ay hindi pinapayagan ang sinuman na mag-apply ng dalawang beses ng TRO.

Nag-ugat ang suspension order laban kay Echiverri matapos na mabigo itong bayaran ang 38 milyon piso na pagkakautang sa Government Service Insurance System (GSIS) na kinakaltas sa suweldo ng mga empleyado ng nasabing lokal na pamahalaan.

Sinabi pa ng impormante, nagdudusa ngayon ang mga kawani ng city hall sa hindi pagbabayad sa GSIS, kung saan ang mga ito ay hindi puwedeng mag-apply ng salary loan at hindi mabibigyan ng anumang benepisyo mula sa GSIS.

Kaugnay nito, sinabi ni Erice, kung mapatutupad ang nasabing kautusan ng CA ay mahihirapan na si Echiverri na makabalik sa pagiging punong lungsod dahil marami pang kaso na haharapin ni Echiverri.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.