Hukom, inutas sa Negros Occidental

AGAD NA ipinag-utos ni Negros Occidental Gov. Alfredo Marañon Jr., sa pulisya ang mabilisang pagresolba sa pagpaslang kay Kabankalan Regional Trial Court Branch 61 Presiding Judge Henry Arles ng Kabankalan City Regional Trial Court Branch 61.

Pinatay ang 62-anyos na hukom matapos na pagbabarilin ng dalawang armadong kalalakihan sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Manalad sa bayan ng Ilog, Negros Occidental noong Martes ng gabi.

Naisugod pa sa Southern Negros Hospital subalit binawian na ng buhay ang biktima matapos mapuruhan sa katawan.

Base sa imbestigasyon, pauwi ang biktima sa Barangay Dangkalan lulan ng Nissan Sentra nang harangan at paulanan ng bala ng mga armadong lalaki.

Kasabay nito, bumuo na ng Task Force Arles sa pamumuno ni P/Supt. Leo Erwin Agpangan, deputy provincial director for administration ng Negros PNP.

Isa sa mga anggulong sinisilip ng mga kinauukulan ay posibleng may kinalaman ito sa trabaho ng biktima.

Kasabay nito, mariing kinondena ng gobernador ang mga may kagagawan sa nasabing krimen.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang mga huling kaso na hinawakan ni Judge Arles dahil baka ito umano ang makapagbigay ng clue sa motibo ng krimen at identity ng mga salarin. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.