Hubo’t Hubad na Biktima ng Salbeyds, Itinapon sa Kyusi

ISANG BANGKAY ng lalaking hubo’t hubad na nakasilid sa isang garbage bag ang itinapon sa gilid ng southbound lane ng A. Bonifacio Avenue, sakop ng Barangay Amoranto NS, Quezon City.

Lumalabas sa paunang pagsisiyasat ng Quezon City Police District scene of the crime operatives (QCPD-SOCO), may nakitang tattoo sa kanang balikat na “Mendador Dela Cruz” ang hindi pa nakilalang biktima.

Sinabi ni QCPD – Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) investigator Anthony Tejerero na unang nakita ng isang basurero ang plastik at bumulaga sa kanya ang bangkay.

Agad niya itong isinumbong sa tricycle driver na si Randy Alba na napadaan sa lugar na siya namang tumawag sa barangay.

Tadtad ng saksak ang biktima, batay sa pagsusuri.

Teorya ng mga awtoridad, patay na ang lalaki nang isilid sa plastic bag at itinapon sa naturang lugar kahapon ng madaling-araw.

Samantala, kinunan din ng fingerprint sample ang biktima para makilala.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.