Hubo’t hubad na bebot, nagwala sa Bora

KUMAKALAT SA Internet ang video ng isang babaeng hubo’t hubad at na nagsisigaw sa labas umano ng isang police outpost sa Brgy. Cagban sa isla ng Boracay.

Kumalat sa internet ang nasabing video ng isang babae na unti-unting hinuhubad ang kanyang suot na kulay gray na T-shirt at pulang shorts pati ang kanyang underwear na mukhang nakikipagtalo sa isang pulis sa labas ng himpilan ng pulisya.

Kasunod nito ay naglabas-masok ang babae sa police outpost at pinagtatalakan ang mga pulis na naroon.

Nahinto lamang ang pagwawala ng bebot matapos pagtulungang pigilan ng mga pulis at binalutan ng rain coat ang hubad niyang katawan.

Unang lumabas ang video sa Facebook at nakalagay ang katagang “Boracay-Cagban maoy scandal.”

Sinabi ni P/Insp Fidel Guintallan, deputy chief of police ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) na hindi nila alam ang pagkakakilanlan ng naturang  babae na nasa 20-anyos ang edad at sinasabing may diperensya sa pag-iisip.

Samantala, sinasabing humingi ng police assistance ang babae dahil may nagtatangka umano sa kanyang buhay.

Sa ngayon, pinaghahanap na ng mga kinauukulan ang responsable sa pag-upload ng malaswang video dahil may pananagutan umano ito sa batas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.