Hubo’t Hubad na Bangkay ng Hapones, Natagpuan

INAAGNAS NA ang ulo ng isang Japanese national nang matagpuan ito sa loob ng inookupahang kuwarto sa Garnet Place Bldg., Brgy. Cabancalan, Mandaue, Cebu City.

Kinilala ang nasawi na si Fujita Mitso, 67-anyos.

Base sa pagsisiyasat ng grupo ni PO2 Cripton Wanunura, napag-alaman na pinuntahan ng secretary ng nasabing gusali na si Marivic Pialago at Ano Barday ang kuwarto ng biktima dahil sa masangsang na amoy na nagmumula roon.

Nagulat na lang sila nang tumambad ang hubo’t hubad na katawan ng biktima habang nakatagilid sa loob ng banyo.

Wala naman umanong naganap na forced entry sa naturang kuwarto dahil maayos ang mga gamit ng biktima.

Nakikipag-unayan na ang pulisya sa Japanese Embassy upang maipaalam sa pamilya ng biktima ang sinapit nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.