Hubo’t hubad sa loob ng motel Misis na pulis at isa pang pulis, huli sa akto ng mister na pulis

DAVAO CITY – NAHAHARAP ngayon sa kasong adultery at posibleng matanggal pa umano sa trabaho ang dalawang pulis na pawang may-asawa, na nahuli ng mister na magkasama sa isang motel sa Davao.

Napag-alaman ng mga awtoridad na tahimik na sinundan ni PO3 Oliver Macanas, ng PNP Special Action Force (SAF) ang kanyang misis na isa ring pulis.

Una rito, lumabas ng Camp Catitipan dakong alas-10 kamakailan ang kanyang misis na kasama ang isang lalaki.

Tumuloy ang dalawa sa Quality Plaza Inn na nasa South Bay, R. Castillo, Agdao lungsod ng Davao.

Kaagad namang nakipagtulungan ang mister sa mga tauhan ng Santa Ana PNP Station at tumuloy sa nasabing motel.

Sa pagpasok ng mga ope-ratiba, huli sa akto ang dalawa na hubo’t hubad at pawis na pawis sa Room 203.

Nakilala ang magkasama na sina PO1 Revelyn Sansano Macanas, 24, at ang lalaki na si Insp. Darwin Doque, 34, nakatalaga sa Mati, Davao Oriental PNP na may-asawa rin.

Nakapiit na ngayon ang dalawa sa Santa Ana PNP.  (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.