Hubo’t hubad na bangkay ng call center agent, narekober sa pension house

BACOLOD CITY – MASUSING iniimbestigahan ng mga awtoridad sa Bacolod City upang matukoy ang kasama ng call center agent na nag-check-in sa pension house bago natagpuan ang bangkay nito na hubo’t hubad.

Isa sa mga sinusuri ay ang CCTV camera ng pension house na siyang inaasahan na makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng naging kasama ng biktima.

Natagpuan ang bangkay ng nakilalang si Ian Sherwin Sandoval, 34, empleyado ng Transcom Call Center, na walang suot na saplot sa ilalim ng kama sa inokupahang silid sa pension house sa Araneta St., Bacolod City na tadtad ng saksak sa katawan.

Batay sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, ang biktima ay natagpuan ng pension house employee matapos magtaka na hindi na ito nakalabas sa nasabing silid.

Si Sandoval ay nag-check-in dakong alas-6:00 ng gabi noong Sabado kasama ang isang hindi nakilalang lalaki.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pagpatay kay Sandoval dahil hindi naman nawawala ang mga gamit at pera nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Hubo’t hubad na bangkay ng call center agent, narekober sa pension house

  1. Pingback: Hubo’t hubad na bangkay ng call center agent, narekober sa pension house - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.