Hubad na Bebot, Lumutang sa Dagat

BASAG ANG mukha at walang saplot nang makitang nakalutang ang bangkay ng hindi pa kilalang babae sa Navotas kamakalawa ng tanghali.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 20 hanggang 25, slim ang pangangatawan, may taas na 4’11” at maiksi na itim ang buhok.

Sa ulat, dakong alas-12 ng tanghali nang madaanan ng mga mangingisda ang biktima habang nakalutang sa karagatan sakop ng Sitio Pulo, Tanza ng lungsod.

Isinakay sa bangkang de motor ang biktima at dinala sa pampang bago itinawag sa mga pulis.

Lumalabas na hinampas o humampas sa matigas na bagay ang mukha ng biktima kung saan inaalam pa kung hinalay muna bago pinatay.

Dinala na sa Marcelo Funeral Homes ang bangkay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.