HRM Student, Nilamon ng Dagat

LABIS ANG pangungulila ng mga kaanak ng HRM student, matapos itong malunod sa baybayin ng Pundakit Beach and Resort sa bayan ng San Antonio, Zambales.

Sa ulat na nakarating sa Bulacan Provincial Risk Reduction and Management Council(PDRRMC) kinilala ang biktimang si Arel Tan, 16 anyos, residente ng Brgy. Caingi, Malolos City, Human Resorces and Managemant student.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, nagpaalam umano ang binata sa kanyang ina na may mahalagang event ang kanilang grupo na bahagi umano ng kanilang kurso sa Bulacan State University.

Ayon naman kay Ms. Liz Mungcal, hepe ng PDRRMC, inalam nito sa pamunuan ng BSU ang event na tinukoy ng biktima bago sila pumunta ng Zambales, kung saan lumitaw na wala umanong schedule na lumabas ng probinsya ang mga mag-aaral ng nabanggit na unibersidad.

Nabatid na nagkaroon umano ng outing o pribadong lakad ang grupo ng mag-aaral at walang kinalaman ang nabangit na pa-aralan.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamunuan ng Bulacan State University sa pamilya ng biktima.

 (TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.