House Arrest kay CGMA, hayaan sa Sandigan ang desisyon

ANG SANDIGANBAYAN ang magdedesisyon kung isasailalim sa house arrest si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr., inihayag na walang masamang hinahangad si Pangulong Noynoy Aquino III laban kay GinangArroyo, pero hindi ito maaaring makialam sa mga kasong nakabimbin na sa korte.

“The government has no ill will (against Arroyo). We also wish former President Gloria Macapagal Arroyo well but we must recognize what the law states, that the Sandiganbayan has jurisdiction over this matter,” ani Coloma.

Ipinaubaya na rin ni Coloma sa kampo ni Ginang Arroyo kung nais nitong maghain ng petisyon sa Sandiganbayan para sa posibilidad na isailalim na lang sa house arrest ang dating pangulo.

Umapela kamakailan sa pamahalaan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na magpakita ng malasakit kay Ginang Arroyo sa pagsasailalim dito sa house arrest.

Ayon kay Fr. Melvin Castro, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Family and Life, sa pagsasailalim kay Arroyo sa house arrest ay malaki pa ang matitipid ng pamahalaan.

Sa ngayon, nakapiit ang dating presidente sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City hinggil sa kinakaharap na kasong plunder at election fraud.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.