Hotel, Hinoldap; Sekyu, 2 Pa, Todas

TATLONG KATAO ang patay na kinabibila-ngan ng security guard, roomboy at cashier makaraang holdapin ng mga armadong kalala-kihan ang isang hotel sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ang unang nasawi na si Jason Saralde, security guard ng Aquarius Security Agency na naka-detail sa Garanada Inn, habang unang napaulat na kritikal bunsod ng tama ng bala sa ulo sina calibre 9mm sina Hernel Roxas, 23-anyos, roomboy; at  Bryan Roxas, 23-anyos, cashier na isinugod sa Mary Mediatrix Center.

Alas-4:00 ng hapon ay iniulat na nasawi na rin habang ginagamot sina Hernel at Bryan.

Ayon kay CALABARZON Police Director Chief Supt Benito Estipona dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang makatanggap sila ng tawag mula sa tricycle driver hinggil sa insidente sa nasabing hotel sa B. Morada St. Lipa City.

Natangay ng mga ‘di mabilang na kawatan ang mahigit sa P10,000 koleksyon ng hotel at hindi pa nakuntento ay pinagbabaril pa ang mga nasabing biktima at doon sa bahaging cashier’s office ng hotel nadatnan ng awtoridad ang mga nakahandusay na biktima na pawang naliligo sa sariling dugo.

     (S. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.