Hot Topic Roy Alvarez, 63, pumanaw sa atake sa puso

Roy-AlvarezPUMANAW NA nitong Martes ang beteranong aktor na si Roy Alvarez matapos atakihin sa puso, sa edad na 63.

Sa report ng ABS-CBNnews.com, kinumpirma ng naiwang asawa (Nieves Campa-Alvarez) at anak (Miren Alvarez) ang pagpanaw ng aktor na mahigit 40 taon na sa industriya.

Huling napanood ang aktor sa on-going GMA-7 series na Villa Quintana bilang si Don Manolo Quintana.

Ilan sa mga nauna namang nagbalita ng pagkamatay ni Roy ang mga kasamahan sa soap na sina Maricar de Mesa at Gina Alajar.

Sa tweet ni @msMaricarDemesa: “Just received a really sad news. RIP Tito Roy Alvarez aka Don Manolo Quintana. @villaquintana7”

Nagpahayag naman ng pakikiramay sa pamilya ni Roy si Direk Gina sa tweet niya sa @ginaalajar28: “With sadness and grief, my heartfelt sympathies to the family of Mr Roy Alvbarez, a good actor, a friend and a great person. I will miss you.”

Parazzi Reportorial Team

loading...

One thought on “Hot Topic Roy Alvarez, 63, pumanaw sa atake sa puso

Leave a Reply

Your email address will not be published.