HOT NA HOT! Masturbation scene ni Jake Cuenca sa ‘Requited’, pinag-uusapan!

Jake Cuenca and Anna Luna in Requited

DAHIL AYAW nina Jake Cuenca at Direk Nerissa Picadizo na pagpistahan ang “masturbation”  scene ng aktor sa latest indie film niya na Requited para sa Cinemalaya 2017 ay itinago ng dalawa ang “hot scene” ni Jake sa pelikula.

 
Noong presscon ng Requited ay wala man lang isa sa mga press people na imbitado ang nakakaalam na may ganung eksena pala ang sexy hunk.
 
Ang rason, baka daw kasi ma-focus sa “masturbation” lang ng aktor ng atensyon ng mga manonood.
 
Sa panayam ng manunulat na si Jocelyn Dimaculangan ng PEP, sinabi ni Jake na kailangan niyang gawin ang naturang ”masturbation scene.
 
”Kailangan, e, kasi pumayag si Anna sa hotdog scene,” kuwento ni Jake. 
 
Pagbida pa ng aktor na “Tatak Jake Cuenca” ang gayong mga eksena niya sa
pelikula. “That’s my trademark. Every time I do a Cinemalaya, I’ll always have a masturbation scene.”
 

Jake Cuenca

Pagkukuwento ng aktor, kasama talaga ang eksena sa script na hindi na niya pinabago.

 
Sa kanyng pelikulang “Requited”, ang karakter niya bilang si Matt (may Parkinson’s Disease) ay hindi lang isang biker.
 
“He’s sexually frustrated,” kuwento ng aktor na at the same time co-producer/financier.
 
I’m sure ngayon na pinag-uuspan ang masturbation scene ng aktor, ang mga beks ay sigurado na susugod na sa CCP at sa mga Ayala Malls to catch Jake’s latest film project.
 
Catch Requited remaining screening schedules on the official Cinemalaya 2017 page!

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.