Hot Men League, The New Regal Babies

NAHANAP NA NI Mother Lily Monteverde ang kanyang mga bagong Regal Babies sa katauhan ng mga hunk model actors na sina Daniel Matsunaga, JC Tiuseco, Ervic Vijandre, Ian Batherson, at Fabio Ide na kapwa mga talents ng Kapuso Network. Nakakaloka na “Regal’s Desirable Men” ang bansag sa bagong contract stars ng Regal Entertainment, huh!

Matatandaan na sa mismong contract signing ng limang boylets eh, isa-isang nagsilabas na naka-tight-fitting white shirt at jeans lang ang mga kapapahan, he-he! Pagkatapos ay bumalik sila na walang suot na pang-itaas kaya naman tuwang-tuwa ang mga mahadera nang matanaw ng mga ito ang naglalakihang

muscles ng mga utaw. Maliban kay Papa Daniel, na boyfriend ng aktres na si Heart Evangelista, lahat

daw ay single ngayon. Weeh, maniwala kami, chos!

Si Papa Ervic ay naging boyfriend ni Marian Rivera, at si Papa JC naman ay rumored ex-boyfriend ni Maxene Magalona. Nali-link naman ngayon sa sexy actress na si Rufa Mae Quinto si Papa Fabio, pero dini-deny niya ito at iniispluk na friends lamang sila ni Booba. Hmmm…sige na nga, ha-ha! I-explore pa natin ang kaguwapuhan ng mga kalalakihang ito at maaari rin silang bigyan ng titulo bilang “Hot Men League” ‘di ba? Ano sa tingin n’yo mga girls and gays? Ha-ha!

 

Photos by Mark Atienza & Luz Candaba

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Hot Men League, The New Regal Babies

  1. gosh ruffa looks like a man now. mabuti na lang hinalay sa mga male models ang pic nya dito…. di gaano halata na lalake na rin siya!

Leave a Reply

Your email address will not be published.