Hot Mama, Isang Linggong Nagbabad sa Condo ni Hunk Papa!

BLIND ITEM: AHA! Ang kapit-bahay mismo ni hunk aktor sa isang high-rise condo sa Mandaluyong ang nag-tsika sa amin na madalas magpunta ru’n ang kanyang rumored girlfriend na isa ring aktres at hot mama.

Sabi pa, kadalasan daw ay tumatagal du’n ng one week ang aktres kaya ang tanong nga ng kanilang mga tsismosang neighbors, nagli-live in na ba ang dalawa?

Wala naman talagang masama sa kanilang relasyon dahil pareho silang single. Kahit na pareho silang may mga anak e, they can still play sweet music together, sabi nga, dahil wala silang taong natatapakan.

But wait. Kung nagtatagal ng one week ang aktres sa condo unit ni hunk actor, bakit nga ba hindi pa sila mag-live in? Meron pa ba silang problemang inaayos bago nila iakyat ng isa pang notch ang kanilang relationship?

Naku! Tumutok lang kayo sa Kapuso station at siguradong markado agad ang dalawang lovers na ito na parehong hot… getz?

SIGURO NGA SI Robin Padilla at si Mariel Rodriguez na nga ang bagong couple sa Kapamilya station.

Aba, nang sinurpresa ni Robin si Queenie Padilla ng isang birthday party sa Teatrino Greenhills last Friday e, present din du’n ang Wowowee co-host. May nakapansin din na madalas e, hawak ni Binoe ang kamay ni Mariel.

Pasimpleng lumabas sa isang sulok sina Robin at Mariel habang wala pang masyadong tao at ‘saka umakyat sa second level ng Teatrino para magkaroon ng private place habang pinanonood ang ihinanda nilang surprise party kay Queenie.

Sa tingin namin e, pinakilala na ni Robin si Mariel kay Mommy Eva na present din sa occasion na ‘yon. Wala naman daw nasabing hindi maganda ang Padilla matriarch kaya siguro nga, boto si Mommy Eva sa rumored girlfriend ngayon ni Binoe.

But wait. Si Queenie ba e, boto rin kay Mariel para sa kanyang Papa? Hindi kasi namin napansin na nagtsikahan sina Queenie at Mariel.

At kung sakaling papiliin si Binoe, sino kaya ang mas matimbang sa kanya. Ang anak o ang kanyang rumored girlfriend? Esep-esep!!!

‘NGA PALA. PRESENT si Ejay Falcon sa 19th birthday celebration ni Queenie. Lagi silang magkatabi that night pero kapansin-pansin din na hindi masyadong sweet si Ejay sa dalaga ni Binoe.

Natatakot kaya siya dahil present nang gabing ‘yon si Papa Robin? O baka natatakot siya sa isa pang boylet na nali-link kay Queenie sa Kapuso station?

“Ha? Bakit naman ako matatakot du’n (referring to the other boylet sa channel 7)? Hindi ko siya kinakatakutan ‘no!” sabi sa amin ni Ejay nu’ng tinukso namin.

Ganu’n? Mukhang palaban si Ejay, huh! Kaya lang, hindi naman niya pinapakita na talagang pinaglalaban niya si Queenie. Nakalilito tuloy ang mga bagets na ito, sa totoo lang.

Anyway, present din that night si Kylie and Ali Padilla, pati na rin si Uncle Rommel.

Marami lang ang nakapansin. Bakit kaya umeeksena raw that night ‘yung nanay ni Bella Padilla ng Party Piliinas na ang akala mo e, siya ang may birthday.  Samantalang sina Queenie at ang kanyang mga kapatid e, tahimik lang at hindi pakalat-kalat sa Teatrino?

Hmmm… you talaga, mommy ni Bella, over ka na, huh! Hek-hek-hek…

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

13 thoughts on “Hot Mama, Isang Linggong Nagbabad sa Condo ni Hunk Papa!

  1. walanghiyang writer hindi realistic ang blind item 1 week magbabad sa condo edi hindi na sila nag work HELLO!!!!!nagiisip kaba imbento knang balita yung medyo kapani paniwala ok…..Godblesss nalang sayo at sa paninira m kay jen…..but us we love her much………

  2. hindi ako naniniwala sa BI about nagbabad ng one week. so di na nagtaping or shooting at wala nang inatupag na iba. wala bang trabaho ang mga iyan. siguro one day pwede pa pero one week eh di kapanipaniwala.
    at wala naman masama if magbabad kung pareho naman sila single at walang sabit.
    baka naiinggit ang writer. hahahaha.

  3. wahahaha… Motel na ba talaga ngayon ang mga kotse? Bakit wala bang pang motel ang baklang writer na yan?
    Ah siguro may lahing boxer ang taong yan laging nakasakmal ang mga palad dahil ayaw magpalabas ng pera kahit na dun lang sa pinaka murang motel lang na 250 per 3 hours…

  4. atleast they keep their privacy di tulad ng writer ng article na to na sa isang kotse iniraos ang libog! cheap ng writer na ito kala mo kung magmalinis!

  5. better make – out inside a decent condo than in a cheap car on a public place and get busted………!!!..shame on this writer ..LOL…!!!

  6. nakakasuka na ang mga balita tungkol kay Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Araw araw na lang, sobrang overrated na at nakakasawa na ang pagiging publicity whore ni Mariel Rodriguez. Lahat na lang linalantad niya sa twitter at sa mga shows ang tungkol sa kanila ni Robin, halatang desperada na aangat ang career.

  7. as if naman wala silang work para magbabad lang sa condo en may anak sila na aasikasuhin no..

    mga tsismosa pala kapitbahay ni hunk actor, kala ko dahil pang-rich ung condo..super busy sila sa buhay nila na wala ng panahon para abangan pa nila kung nandun nga si hot mama.

    or baka gawa-gawa lang ng writer ito?

    • Korek ka, nagiimbento lang ang writer na iyan. naghahanap ng damay kasi nahuli siya sa loob ng kotse na may milagrong ginagawa. Matagal na niya sinisiraan si jennelyn Mercado. Na-banned kasi dati sa baptismal event ng anak ni JM. Kaya gumaganti har har!

  8. POKWANG UMALIS KANA SA WOWOWEE KC WALANG KWENTA KA NAMAN DOON MGA PATAWA MO EH LIPAS NA WALANG TAO NATUTUWA SA IYO SA WOWOWEE KAYA UMALIS KANA KAUNG DALAWA NI MARIEL PARA KAUNG MGA KABAYO.WALANG KABUHAYBUHAY ANG MGA ARTE NYO SA WOWOWEE..
    WELCOME BACK WELLIE…GO GO GO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.