Hospital Arrest kay Ampatuan Sr., Mariing Tututulan

NAIS UMANONG pagpaliwanagin ng isa sa mga abogado ng mga biktima ng Maguindanao massacre ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa ginawang paglilipat sa ospital kay dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., sa kabila ng kawalan ng court order.

Ayon kay Atty. Harry Roque, isa sa mga private prosecutors sa kaso, na bagama’t sinasabing may sakit na pneumonia si Ampatuan Sr., pero naniniwala itong may sapat na panahon ang mga abogado ng akusado para humingi ng kaukulang pahintulot sa hukuman para ito ay mapatingnan sa doktor.

Ngayong araw ay naka-takda umano silang maghain ng kaukulang pleading sa korte para matiyak na totoong “medical necessity” ang pagsugod kay Andal sa ospital at hindi lamang alibi para ito ay mapasailalim sa hospital arrest, saad ng abogado.

“Please recall in his last confinement in the Heart Center, until the very last minute, his lawyers and doctors were insisting that he required hospitalization, and when the court did not allow, he was brought back to Bicutan and everything was fine with him,” dagdag pa ni Roque.

Si Ampatuan Sr. ay isa sa mga pangunahing suspek sa pamamaslang sa 57 katao noong November 2010.

Noong Biyernes, isinugod ito sa ospital matapos umanong sumuka ng dugo at mahirapang huminga.

Ngayon din nakatakdang dinggin ang hiling ng depensa na isailalim sa hospital arrest si Andal, Sr.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.