Honorable “Jueteng King”sa Metro at alyas “Luding”

KASABAY NG “MARCHING order” ni Pangulong Noynoy Aquino kay bagong upong DILG Secretary Jesse Robredo na sugpuin ang iligal na sugal sa bansa, pinaniniwalaang bilang na ang araw ng tinaguriang “honorable jueteng king” sa Metro Manila at Cavite.

Ayon sa isang mataas na opisyal ng PNP sa Marikina na ayaw magpabanggit ng pangalan, si Konsehal Elmer Nepumuceno umano ang operator ng jueteng na naglipana sa Eastern at Southern part ng Metro Manila gaya ng Makati, Pasay, Las Piñas, Taguig, Pateros at maging sa lalawigan ng Cavite.

Ang nasabing operasyon ni Nepumuceno ay may kubransa umano na mahigit isang milyong piso araw-araw dahilan upang kaya nitong busugin ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan at maging ang mga hepe ng lokal na pulisya.

Idinagdag pa ng nasabing impormante na kasalukuyan umanong nagmamatyag si Nepumuceno sa magiging hakbang ni DILG Sec. Jesse Robredo upang malaman nito kung maitutuloy niya ang kanyang iligal na gawain.

Kaugnay sa nasabing kampanya ni P-Noy laban sa ipinagbabawal na sugal, maging si alyas Luding na isa ring kilalang “jueteng queen” ay kasalukuyan din umanong nag-aalala sa kahihinatnan ng kanyang iligal na gawain.

Matatandaan na paulit-ulit na ring inirereklamo maging ng ilang kasapi ng pulisya ang “jueteng operation” ni alyas Luding dahil hindi rin umano nila kayang pigilin ito dahil alam umano nilang nakatimbre ito sa kanilang hepe at maging sa ilang lokal na opisyal.

Kasabay nito, pinangangambahan namang hindi maipatutupad ni DILG Sec. Robredo ang nasabing kautusan ng Pangulo laban sa iligal na sugal, ‘yan ay kung babasehan ang performance umano nito noong alkalde pa ng Naga City kung saan hindi rin nito naipatigil ang iligal na sugal sa kanyang nasasakupan.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.