Honorable “Jueteng King” at Tony S: Ipasisilip sa DILG

KUNG HINDI MAN bibigyan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo ng pangunahing pansin ang kampanya laban sa iligal na sugal, hindi pa rin makawawala ang tinaguriang “Honorable Jueteng King” ng Marikina dahil nakatakda rin itong paimbestigahan sa “ethics committee” ng Marikina, ito ang ipinaabot sa Pinoy Parazzi ng ilang empleyado ng Marikina City Council na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Matatandaang si Konsehal Elmer Nepumuceno ang itinuturong “jueteng king” sa operasyon ng iligal na sugal na naglipana sa Eastern at Southern part ng Metro Manila gaya ng Marikina, Makati, Pasay, Las Piñas, Taguig, Pateros, Muntinlupa at maging sa lalawigan ng Cavite.

Ang nasabing iligal na sugal na may kubransa umano na mahigit isang milyong piso araw-araw ay pinatatakbo ni Allan Manuela, ngunit alam ng lahat na “front” lamang ni Nepumuceno.

Ayon sa source, ilang personalidad umano sa Marikina ang kasalukuyan nang naghahanda ng complaint sa DILG at maging sa “ethics committee” ng Marikina City Council upang imbestigahan si Nepumuceno dahil maliwanag umano itong paglabag sa “Conduct and Ethical Standard” ng isang halal na opisyal.

Sa kaugnay na balita, maging si Alyas Tony S. ay inirereklamo rin sa DILG dahil sa kanyang malawakang operasyon ng “jueteng” sa maraming bahagi ng Metro Manila.

Mapaghahalata umanong hindi takot si Tony S. sa tanggapan ni Secretary Robredo dahil sa kabila ng mariing pagkondena sa iligal na sugal ay hindi man lang ito natitinag.

Ayon sa ilang impormante ng Pinoy parazzi, ang anak umano ni Tony S. na isang tomboy ang nagmamaniobra sa “jueteng operation” ng mga ito.

Ipinangangalandakan din umano ng tomboy na anak ni Tony S. na hindi sila maaaring galawin ni Robredo.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.