Honor students sa Navotas, may cash rewards

TATANGGAP NG TRADISYUNAL na cash reward at gift item mula kay Mayor John Rey Tiangco ang mga honor student sa Navotas public elementary at high schools sa araw mismo ng kanilang pagtatapos.

Personal na ibibigay ni Tiangco ang cash award na halagang Php.1000, plaque of recognition at gift item sa bawat honor student.

Umaabot sa 8,000 mag-aaral na inaasahang magtatapos sa taong ito sa 15 public elementary at 6 na high schools.

“We are really putting premium on the education of our young people in Navotas.  The cash incentive is but a small way of recognizing their achievements,’’ ani Tiangco.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.