Honor student, pinatay ng holdaper PSP, kapalit ng buhay

LABIS ANG hinagpis ng isang mag-asawa nang patayin ng dalawang holdaper ang kanilang anak na magtatapos na sana sa high school nang tangkain sagipin ang PSP at cellphone nito sa Taguig City.

Batay sa imbestigasyon, naglalaro ng portable playstation (PSP) ang biktimang si Rowell Cruz sa kanilang bahay sa Barangay North Signal Village nang biglang lapitan ng dalawang lalaki na lulan ng kulay asul na Honda motorcycle na may plakang TL 4159 at tangkaing agawin ang PSP at cellphone nito.

Subalit nakipaghilahan si Rowell sa riding in tandem kaya binaril siya ng isa sa mga ito na sanhi ng  agarang pagkamatay.

Magtatapos bilang first honorable mention si Cruz sa Signal Village National High School sa isang linggo.

Makaraan ang pagpaslang sa binatilyo ay tumakas ang dalawang kawatan.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.