Hong Kong Visa, Wala pang Bisa

MAAARI PA ring bumiyahe ang mga Pilipino sa bansang Hong Kong nang walang visa.

Inihayag ng Palasyo na wala pang ipinatutupad na visa requirement ang liderato ng Hong Kong para sa mga turistang Pinoy sa kabila ng mga ulat na isinusulong ng mga HK legislator na alisin na ang visa-free privilege sa mga Pinoy.

“I was able to validate a document that was issued by our Consulate General in Hong Kong and it says that just keep tuned for further updates. Given that there is a proposal, there is no visa requirement yet for Filipinos visiting there,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

“We will continue to work quietly to address the issues that are involved,” aniya.

Kamakailan, nagkasundo ang mga mambabatas sa Hong Kong na magpatupad ng sanction sa Pilipinas, kabilang ang kanselasyon ng visa-free access para sa mga turistang Pinoy, dahil sa pagkadismaya sa pagresolba sa isyu ng 2010 Manila hostage crisis.

Una nang nagbabala si Hong Kong Chief Executive Leung Chun-Ying na magpapatupad ng sanction laban sa ating bansa kung hindi tutugon ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga kahilingan ng pamilya ng mga nasa-

wing HK tourist sa natu-rang madugong insidente.

Samantala, ito’y sa kabila ng paghingi ng paumanhin ni Manila City Mayor Joseph “Erap” Estrada sa pamilya ng mga biktima, at pag-aalok ng bayad sa mga binawian ng buhay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.