Honeymoon ni P-Noy “Sa-blay”

MINTIS TALAGA ANG inaasahang “honeymoon” ni Pangulong Aquino.

Dahil ‘yan parekoy sa walang tigil na bangayan ng grupong “Samar” at “Balay” na kung tagurian natin ay Sa-Blay!

Akala ng dalawang grupong ito, sa media at mga kalaban sa pulitika nakatuon ang pasaring ni PNoy noong nakaraang araw…

Nang sabihin ni PNoy sa kanyang “Ulat kay Boss”… “porke’t binata tayo ay hindi man lang tayo pinagbigyan ng honeymoon.”

Mali, parekoy, maliwanag na ang Sa-Blay (Samar-Balay) ang pinatutsadahan ng Pangulo!!!

Dahil ang salitang “honeymoon” ay nauukol sa dalawang magsing-irog gaya ng relasyon niya sa Sa-Blay noong panahon ng kampanya.

Hindi maaaring ang media ang tumbok ni PNoy dahil hindi naman niya “kasing-irog” at alam ni PNoy na ang media ay nag-uulat lamang ng mga kaganapan!

Lalo namang hindi ito patungkol sa kanyang mga kalaban sa pulitika.

Dahil batid talaga ni PNoy na parang mga guton na buwaya ang mga ito… na sa kaunting pagkakamali ay sasakmalin ang kanyang pagkatao, career at Pamahalaan.

Higit sa lahat, kahit binata ang Pangulo ay alam nito na ang salitang “honeymoon” ay hindi angkop sa magkalaban!!!

Pagandahin natin nang kaunti, parekoy, para mahiya naman o kaya makunsensya itong mga taga Sa-Blay.

Pambihira naman kayong mga taga Sa-Blay kayo oo, porke’t binata ako eh, hindi n’yo man lang ako pinagbigyan ng honeymoon… inaasahan ko pa naman ‘yan sa inyo… aba eh, bangayan kayo ng bangayan ako tuloy ang nasisira sa taumbayan!!!

Oh, ‘di ba angkop, parekoy? Hak, hak, hak!!!

Akala naman nitong mga taga Sa-Blay ay totoo ngang hindi alam ni PNoy ang kanilang iringan…

Susmaryosep naman kayo, sa tingin ba ninyo kahapon lang ipinanganak si PNoy sa pulitika? Ha?

T’saka, ‘di ba paulit ulit na binabanggit ni PNoy na “trusted” niya si Usec. Rico Puno?

Oh, ‘di ba nga si Puno na ngayon ang nagsiwalat na biktima siya ng atake ng iba’t ibang grupo… kasama na ang Sa-Blay?

Derpor, alam na alam talaga ng Pangulo na isang araw ay siya na talaga ang isasablay nitong grupong Sa-Blay!!!

SIYANGA PALA, PAREKOY, tumatrabaho na raw ang grupong Samar…

Ayon sa ating “dwende” ginagapang na nitong grupo nina Sec. Herminio Coloma at Executive Secretary Paquito Ochoa ang iba’t ibang pahayagan o tabloid.

May inaalok nang 10 at meron ding 15 mil buwan-buwan.

Ha? Susmaryosep namang yutak nitong mga taga-grupong “Samar” na ito.

Hindi n’yo naman kailangang mag-alok pa ng halaga!

Ayusin n’yo lang ‘yang pinaggagawa ninyo ay kaibigan na ninyo ang media!!!

Paalok-alok pa kayo… huh!

Ang liit naman! Ehek!!!

Oh, kayo namang mga taga-Balay…

Magkano naman, este, ano naman ang masasabi ninyo?

Hoy, Sa-Blay! Hindi pera ang i-offer ninyo sa amin, kundi magandang serbisyo! Piryud!!!

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

One thought on “Honeymoon ni P-Noy “Sa-blay”

Leave a Reply

Your email address will not be published.