Holy Week break ng celebrities

MASUWERTE TALAGA ang magkapatid na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga sa kanilang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Carlitos dahil bukod sa pagiging manager ng dalawa ang kanilang ina at very supportive naman sa kanilang mga career ang ang ama, patuloy ring sinusubaybayan ng mag-asawa ang buhay ng mga ito at tinuturuan kung saan nararapat ilagay ang kinikita nila sa pag-aartista.

Bukod sa naipundar nilang bahay nila sa Taytay, Rizal na kung hindi kami nagkakamili ay higit P20 million ang halaga, nagpapatayo ulit ang Pamilya Gonzaga ng extension ng kanilang bahay sa kaliwang lote na matagal-tagal na rin nilang nabili na nu’ng una ay ginawa lang muna nilang garahe para sa mga ilang magagarang sasakyan na kanila ring naipundar at ginagamit nina Toni at Alex sa kanilang shootings at tapings.

Kamakailan lang, nabalitaan din namin na ibinenta rin sa kanilang pamilya ang lupa’t bahay na nasa kanang tabi nila.

May property na rin ang mga Gonzaga sa Binangonan, Rizal, malapit daw sa resthouse ni Direk Bobbet Vidanes ng It’s Showtime! Balak din daw nilang magpatayo ng bahay bakasyunan doon.

Nakaplano na rin daw ang pagpapagawa ng family nina Toni at Alex ng isang five-storey building, malapit sa SM City Taytay na kanilang pauupahan. May nakaabang na raw na isang bangko na uupa sa unang palapag ng gusali.

Sana nga, lahat ng mga sinusuwerteng mga artista ay matutong mag-invest nang tama at may tamang pagsubaybay ng kani-lang mga magulang.

Samantala, nanatili lang sa kanilang tirahan ang buong mag-anak nina Toni at Alex dahil may mga kamag-anak silang dumating mula sa Amerika.

 

GABI NG Palm Sunday nang umalis ng bansa si Jake Cuenca papuntang Spain para mag-Holy Week, kung saan nandoon ang kanyang mga magulang.

Dumaan muna ang aktor sa birthday party ng kilalang showbiz insider na si Bernard Cloma bago ito tumungo ng airport.

Nang makausap naman namin sa magkahiwalay na billboard pictorial nila for Belo sina Julia Montes at Enrique Gil, ibinahagi rin nila kung saan sila nagbakasyon nitong Semana Santa.

Kasama ng kaka-debut lang na si Julia ang kanyang ina at mga kaibigang hair stylist at make-up artist sa Bangkok, Thailand. Bonding daw nilang mag-ina iyon, kaya hindi na muna sumama ang kanyang lola.

Pamilya rin ni Enrique ang kasama nito sa Cebu. Bumili pa nga raw ito ng flyboard sa Subic para dalhin sa Cebu. Gusto rin daw sanang pumunta ni Enrique ng Palawan mula Cebu.

Nagrenta pa raw ng isang bus ang phenomenal box-office star na si Vice Ganda papuntang La Union kasama ang kanyang mga kaibigan na karamihan ay mga beki at ang kontrobesyal na modelo na umamin na raw na isang beki rin na si Sebastian Castro.

Si Angel Locsin naman daw ay nanatili sa kanyang resthouse sa Batangas kung saan sumunod daw ang boyfriend nitong si Phil Younghusband at mga kaibigan ng dalawa.

Ang original Viva Hotbabes member na si Maui Taylor ay nag-enjoy nang husto sa Maldives kasama ang kanyang special friend.

Ang Aficionado perfume honcho na si Joel Cruz ay masayang kasama ang buong pamilya at kanyang kambal na anak nitong Lenten sa kanyang mala-palasyong bahay-bakasyunan sa Canyon Woods sa Tagaytay.

Sandaling bakasyon lang dahil may series of shows pa rin sa Amerika ang Kahit Konting Pagtingin star at singer na si Angeline Quinto nitong nagdaang Holy Week.

 

(Photos courtesy of Francis Simeon)

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

4 thoughts on “Holy Week break ng celebrities

Leave a Reply

Your email address will not be published.