Hollywood Expose

SPLIT NA ang singer na si Lady Gaga at boyfriend nitong si Taylor Kinney ng Vampire Diaries!

At ang balitang dahilan daw ng pag-i-split nina Lady Gaga at Taylor ay ang pagko-concentrate niya sa kanyang “Born This Way Ball” tour, kung saan isa ang Pilipinas sa pagtatanghalan ni Lady Gaga.

Balitang umaabot sa 110 dates ang kinakailangan bunuin ni Lady Gaga para sa kanyang show at maaring hindi niya na talaga mabibigyan ng oras ang pakikipagrelasyon kay Taylor.

Ayon pa sa isang source, “She’ll be touring non-stop until next year and she can’t have a relationship at the same time. There’s no room for anything else. Her work is all-consuming.”

 

 J-LO, ATAT NANG PAKASAL SA BATANG BF!

 

MUKHANG KINAKARIR ni Jennifer Lopez ang pagpapakasal. Kahihiwalay pa lang niya sa dating asawang si Marc Anthony at ngayon ay balitang seryoso na ito sa kanyang 25-year old dancer boytoy boyfriend na si Casper Smart at plano niya na itong pakasalan.

Mukhang naniniwala raw si J-Lo na “four times is a charm”. Matatandaan kasing nakatatlong marriage na si J-Lo na nauwi lamang sa divorce.

Anytime daw ay gusto nang magpakasal ni Jennifer kay Casper, pero maisasakatuparan lamang ito once na ma-finalize na ang divorce nito sa kanyang current husband na si Marc Anthony.

“She’s telling friends she wants to marry Casper. She’s certain she wants to be with Casper forever,” ayon sa isang source.

 

USHER, PINAGBANTAANG PAPATAYIN NG EX-WIFE?!

 

ITINANGGI NG ex-wife ng R&B singer na si Usher na pinagbantaan nitong papatayin ang singer at ang bago nitong girlfriend.

Ayon kay Tameka Foster, hindi siya nagbitaw ng pagbabantang papatayin si Usher at GF nito.

During her testimony, she apparently admitted that as a result of being embarrassed by usher’s frequent PDA with his new current lady: “I did  probably, out of anger, say ‘I will f**k you up’ and it’s not acceptable.”

Kasalukuyan ay nahaharap sa kaso sina Usher at Tameka para sa custody ng kanilang dalawang anak.

 

KITA NG ‘THE AVENGERS’, $640-M NA WORLDWIDE!

 

AS OF today ay na-break na ng The Avengers ang domestic box-office debut na dating record na nai-set ng “Harry Potter and the Deathly Hallows: Part 2.”

Tumataginting na $200.3 million na ang kinita ng The Avengers sa loob lamang ng tatlong araw.

So far din ay nakaka-$441.5 million na ang Joss Whedon-directed super friends sa loob pa lamang ng US at balitang $641.8 million na sa worldwide box-office.

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.