Stepson ni Usher, brain dead dahil sa aksidente!

 

IDINEKLARANG BRAIN dead ang 11-year old stepson ng R&B singer na si Usher.

Anak ng ex-wife ni Usher na si Tameka Foster si Kyle Grover na naaksidente noong Sabado lang sa Lake Lanier sa Atlanta.

Ayon sa balita, natamaan daw si Kyle ng isang jetski habang nakaupo sa isang inner tube, kung saan isinugod ito sa ospital at nasa critical condition daw sa ngayon.

Kasalukuyang binabantayan ni Tameka ang anak at balitang agad-agad ding dumalaw si Usher para sa kanyang stepson.

Balita ring hanggang SA kasalukuyan ay walang makitang anumang brain activity kay Kyle.

Iniimbestigahan na rin ng Natural Resource sa Atlanta ang naganap na aksidente.

Matatandaang not in good terms sina Usher at Tameka dahil sa awayan nila tungkol sa custody battle ng kanilang mga anak.

 

ANGELINA JOLIE IDINEKLARANG HONORARY CITIZEN NG SARAJEVO!

 

ISA NANG Honorary Citizen ng Sarajevo ang pouted-lip actress na si Angelina Jolie.

Binigyang-kilala ng Sarajevo si Angelina dahil sa pelikulang ginawa nito na “In The Land of Blood and Honey” na na umiikot ang istorya sa relasyon ng Bosnian Serb man at ng mga Bosnian Muslim woman na ginawa mismo sa Bosnia.

Kasama ang long-time partner niyang si Brad Pitt, dinaluhan ni Angelina ang pagbibigay-parangal sa kanya sa 18th Sarajevo Film Festival at pinarangalan siya ng Prime Minister ng Bosnia na si Mr. Fikret Music.

Ayon sa bagong “Maleficent” ng “Sleeping Beauty” na si Angelina, “The time I spent and the people I met in Bosnia have changed me forever.

“I can’t tell you how much it means to me to be named an honorary citizen of Sarajevo, a city so dear to my heart.”

At tungkol naman sa pelikula niya, “It was the hardest thing I have ever done because of my deep respect for the people that really experience it. The experience here was so unique for me that I felt very connected to the people.”

 

NICOLE KIDMAN AYAW MAKISAWSAW SA PAGDIDIBORSIYO NINA TOM AT KATIE!

 

SA GITNA ng ingay ng pagdidiborsiyo nina Tom Cruise at Katie Holmes, natuon naman ngayon ang atensyon sa ex-wife ni Tom na si Nicole Kidman.

Ayon sa isang malapit sa aktres, for 10 years ay naging mag-asawa rin sina Nicole at Tom at dahil sa divorce din humantong ang kanilang relasyon ay wala raw planong makisawsaw ang red-headed beauty sa isyu ngayon nina Tom at Katie.

Ayon sa source, “Nicole won’t talk, wants her privacy, wants to be left out of this and they (she and Cruise) don’t speak much. Communication between her and Tom is very limited. She really does not want to be dragged into this or say anything to anyone. At some point though, she will probably be forced to say something, and she will most likely support Tom for the sake of their children.”

 

ADELE HINDI PAGKAIN ANG PINAGLILIHIAN KUNDI BOARD GAMES!

 

SA PAGDADALAN-TAO ng “Someone Like You” hitmaker na si Adele,balitang gumawa raw ito ng album ng mga songs na ginawa niya at pini-play niya ito sa kanyang belly para raw makilala ng kanyang magiging anak ang kanyang boses.

Ayon sa source, “She has been playing the rhymes to her belly. It’s so Adele can get her voice as close as possible to the baby so it can hear as many soothing sounds as possible.”

Samantala, kung karamihan daw ng mga nagdadalan-tao ay nagki-crave o

naglilihi sa mga pagkain, iba naman daw ang kinahihiligan ng Brit singer habang buntis ito, ang board games.

Kuwento ng isang source, “She’s become a bit obsessed with board games. She loves Jenga, Monopoly and Scrabble. Her mate recently bought her a charades set too.”

 

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.