Katy Perry at rocker BF split na!

BREAK NA naman sa kanyang rocker beau ang “Firework” singer na si Katy Perry!

Hindi pa nga nasasaayos ang kanyang divorce sa soon-to-be-ex-husband niyang si Russel Brand ay naging jowa na ni Katy ang Florence+the Machine guitarist na si Robert Ackroyd.

Ayon sa isang source, “She likes him a lot, but it was just a distraction. It was short-lived, she’s still dealing with getting over her marriage and it’s going to take her a while to truly be able to trust anyone again.”

Pero sa kabila raw ng hiwalayan ay nanatili pa ring magkaibigan ang dalawa. Naging sila raw pero never naman daw sila naging seryoso sa kanilang relasyon kaya hindi naging masakit sa dalawa ang paghihiwalay.

And besides, pareho raw silang busy sa kani-kanilang trabaho kaya wala naman daw malaking expectations ang dalawa sa isa’t isa.

 

CHRIS BROWN BINATIKOS ANG PAGLI-LIP SYNCH SA BILLBOARD MUSIC AWARDS!

 

UMANI NG batikos ang performance ng ex-BF ni Rihanna na si Chris Brown sa katatapos lang na Billboard Music Awards dahil sa pagli-lip synch nito ng kanyang kantang “Turn Up The Music”.

Ilan sa mga bumatikos sa ginawang pagli-lip synch ni Brown ay singer-songwriter na si Pink at asawa nitong si Carey Hart.

Ayon sa tweet ng singer na si Pink, na Alecia Beth Moore sa tunay na buhay, “One day if I lip-synch, I hope I do it as well as him.

Maging ang asawa ni Pink na si Carey ay nagpahayag ng “I’m pretty sure I saw my wife did that same performance, but she was 3 months pregnant and actually sang the song.”

Pero sa kabila ng negang tweet ni Pink kay Brown ay naging kalmado ang naging tweet ni Brown sa kanyang twitter account.

Don’t hold ya breath waiting for me to stop doing. Anyone who is upset obviously is upset with their lives. Make your music, make a difference, be better than me! Godbless!” tweet ni Chris.

Maging si Joe Jonas ay nag-tweet ng, “What happened to people singing live,” patungkol sa pag-lip synch ni Chris.

 

USHER NAPAIYAK SA KORTE

 

NAPAIYAK ANG R&B singer na si Usher sa korte habang nakasalang sa custody trial na inihain ng kanyang ex-wife na si Tameka Foster.

Hindi napigilan ni Usher ang mapaiyak dahil sa pag-aakusa ni Tameka ng paggamit diumano ni Usher ng illegal drugs at sa mga pagbabantang ginagawa nito sa kanya.

Usher quoted his ex as threatening, “I’m gonna kick your ass. Bitch get out of the car. How dare you bring this woman into my subdivision in my house. She continued to spit. At this point she pulled the door open, tried to swing at her.”

Sinabi pa ni Usher na sinaktan din daw siya ng kanyang ex at binato pa nga siya ng plato habang nasa kotse siya at ang present girlfriend nito.

Aminado naman si Foster sa sinabi niya noon kay Usher na “I will f-ck you up.”

Samantala ayon sa isang source hindi naman itinanggi ni Usher na gumamit daw siya ng Marijuana noon, at itinanggi naman niya ang paggamit ng ecstacy.

 

UNDERAGE NA ANAK NI WHITNEY HOUSTON, NAGSUSUGAL?

 

NAPAPARIWARA NA nga ba ang buhay ngayon ang nag-iisang anak ng namayapang si Whitney Houston na si Bobbi Kristina Brown?

Bali-balita kasi na namataan daw ang anak nina Whitney at Bobbi Brown na naglalaro ng slot machines sa MGM Grand sa Las Vegas matapos nitong um-attend at tumanggap ng Millennium Award sa Billboard Music Awards para sa kanyang namayapang ina.

Underage pa kasi si Bobbi Kristina at maliwanag sa batas ng Nevada state ng pagbabawal sa mga under 21 ang pagsusugal.

Pinag-aaralan na ng Nevada gaming officials ang naturang alegasyon mula nang mai-report ng Las Vegas Review-Journal ang video na inilabas ng TMZ kung saan diumano na namataan daw si Bobbi Kristina kasama ang 22-year old adopted brother nito na si Nick Gordon na balitang karelasyon din daw ng anak ni Whitney na naglalaro ng slot machines.

Ayon pa sa Gaming Control Board Chairman na si Mark Lipparelli na hindi muna sila magbibigay nga anumang komento hinggil sa akusasyon sa anak ni Whitney hanggat hindi nila natatapos ang pag-iimbestiga kung si Bobbi Kristina nga ang nasa video.

Kasalukuyan ay wala pang anumang pahayag ang ibinibigay mula sa pamilya Houston.

 

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.