Holdaper, tiklo sa pumalag na biktima

RIZAL – ARESTADO ANG isa sa dalawang holdaper na nambiktima ng isang tindahan ng auto spare parts matapos na sumigaw ang kahera na ikinataranta ng mga ito kahapon ng umaga sa bayan ng Cainta.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto ang naa-

resto na si Boni Jimenez, 24, binata, tambay, at residente  ng Salvador St., Brgy. Kruz Na Ligas, U.P. Diliman, Quezon City.

Pinaghahanap naman ang ka-sabwat nito na nakilala lamang sa alyas na “Jimmy” na nakasibat nang maramdamang bulilyaso ang kanilang trabaho.

Ang dalawa ay inireklamo nina Marife Caldona, 27, dalaga, sales supervisor; at Charlie Banez, 23, binata, sales assistant, at kapwa empleyado ng Motohaus Apparel Shop.

Sa ulat, naganap ang insidente ng panghoholdap dakong alas-11:45 ng umaga sa nasabing shop na matatagpuan sa # 84 L.A. Samson Bldg., Ortigas Extn. Cainta, Rizal.

Nabatid na pumasok sa nasabing shop ang suspek na si Jimenez habang si Jimmy ay nagsilbing look-out sa labas ng tindahan.

Agad na bumunot ng dalang baril na kalibre .38 ang suspek at nagdeklara ng holdap.

Agad na kinuha ng suspek ang mga cellphones at pera ng dalawang biktima bago nagtungo sa cashier’s booth na sinamantala ni Caldona na nagsisigaw para makahingi ng tulong.

Agad na rumesponde ang mga kasamahan sa trabaho at iba pang mga empleyado sa ka-tabing tindahan na ikinatakot ng mga suspek at ikinaaresto ni Jimenez.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.