Holdaper, tiklo sa mga parak

PANDI, BULACAN – Hindi na nakatakas pa ang isa sa riding in tandem nang masukol ng pinagsanib na puwersa na Baliwag at Pandi PNP makaraang mangholdap sa Brgy. Manatal sa bayang ito.

Sa ulat na tinanggap ni P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr. PNP Provincial Director, kinilala ang nadakip na suspek na si Herminio San Diego Y Macalinao ng Brgy. Poblacion, Baliwag; samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Cresencio Bautista, 28 anyos, collector, at residente ng Block 2, Lot 2,  Grotoville Subd., San Jose del Monte City.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-2 ng hapon ng holdapin ang biktima habang lulan ng motorsiklo, kung saan pabalik na ito sa kanilang kumpanya na Fundline Financing Corp., kung saan tinangay ng mga suspek ang P23,400 na kanyang nasingil at isang MPAD na telepono.

Nabatid na lulan ng Yamaha Mio ang suspek nang ito’y matunton ng mga pulis, sa ilang na lugar sa bayan ng Pandi. Kasong Robbery Hold-up  ang kinakaharap ng suspek habang pinaghahanap pa ang kasamahan nito. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.