Holdaper, Tiklo sa Bus

SA PATULOY na pagpapairal ng COMELEC Gun Ban, nagresulta ito sa pagkakaaresto ng isang notoryus na holdaper na nag-ingat ng baril sa loob ng isang pampasaherong bus sa Valenzuela City kahapon ng madaling-araw.

Ang naarestong suspek ay nakilalang si Ranilo Mantilla, nasa hustong gulang at residente ng McArthur Highway, Valenzuela City.

Nabatid na ang suspek ay inaresto nila PO32 Roberto Santillan at PO1 Maximo Pokling Jr. ng mga miyembro ng Police Community Precint (PCP) 6 ng Valenzuela Police Station.

Napansin ni PO3 Santillan ang suspek na kahina-hinala ang ikinikilos kaya agad itong sinita subalit agad na kinuha ni Mantilla ang isang kalibre .38 baril sa kanyang bag.

Sa pagiging alerto ni PO3 Santillan ay agad nitong naagaw sa suspek ang dala-dalang baril.

Nang rekisahin ng mga pulis ang bag ni Mantilla ay nadiskubre  ang isang Alcatel touch screen cellphone na pag-aari ng isang Diana Buluran, isang call center agent at residente ng Marilao, Bulacan na pinaniniwalaang sapiltang kinuha sa nasabing babae.

Ang akusado ay ipaghaharap ng kasong paglabag sa PD 1866 at ammended Republic Act 8294 Resolution No. 9561, kung saan ay ipinakulong si Mantilla ni Valenzuela City Prosecutor’s Benedict Santa Cruz.

Napag-alaman pa rin sa Valenzuela Police Station Investigation Unit (SIU) na ang akusado ay sangkot sa Nob. 25, 2012 robbery incident na naganap sa loob ng Baclaran Metrolink Bus.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.