Holdaper, pisak ang mata sa taong bayan

PISAK ANG MATA at bugbog sarado ang inabot ng isang holdaper nang maa-butan ng mga by-standers na humabol sa kanya matapos niyang holdapin ang isang babae na naglalakad papasok sa trabaho kahapon ng umaga sa Marikina City.

Maliban sa inabot na sakit ng katawan, kalaboso pa ang suspek na si Alvin Carillo, 39 anyos, residente ng # 92 J.P. Rizal St, Brgy. Concepcion Uno sa naturang lungsod.

Halos himatayin naman sa takot nang magtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Preciuos Joy Angeles, 20 anyos, dalaga, residente naman ng Pilapil St., Brgy. Parang ng nasabi pa ring lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Arnel Manuel, naganap ang krimen dakong alas-7:10 ng umaga sa panulukan  ng De Leon at Paraluman Sts., Brgy. Parang, Marikina City.

Nabatid na naglalakad ang biktma nang sabayan ng suspek at akbayan at saka tinutukan ng patalim kasabay ng pagdedeklara ng holdap sa nahintakutang biktima.

Kinuha umano ng suspek ang kanyang mamahaling cellphone, pera at alahas na nakalagay sa kanyang shoulder bag saka tumakbo papalayo.

Hindi naman nasiraan ng loob ang biktma na nagsisigaw at nakuha ang atensiyon ng mga tambay na siyang humabol sa papatakas na suspek na nagsigulpi muna bago ibinigay sa mga rumespondeng barangay tanod.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.