Holdaper, Patay Nang Mang-Hostage

TODAS ANG hindi pa kilalang holdaper habang nakatakas ang dalawang kasama nang manghostage ang una makaraang masukol ng mga driver nang mangholdap ang mga una sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Namatay habang ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa pisngi ang suspek na tinatayang nasa edad30 hanggang 35.

Batay sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon, hinoldap ng mga suspek ang pampasaherong jeep sa EDSA, Morning Breeze Subd., subalit nakita ng mga driver na naging dahilan upang habulin.

Nang masukol ang napatay ay hinatak si Eveth Velasco, 20, sabay tinutukan ng patalim sa leeg.

Rumesponde ang mga pulis at nang makitang nagdurugo na ang leeg ng biktima ay isa ang pumutok na naging dahilan upang bumagsak ang nasawi at mailigtas ang biktima.

Dinala sa MCU ang nasawi na inaalam na kung sino at matukoy ang dalawang kasamang nakatakas.     (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.