Holdaper, Patay; 2 Pulis, Sugatan sa Sumabog na Granada

PATAY ANG isang holdaper habang dalawang pulis ang nasugatan sa pagsabog ng granada sa Jaro, Iloilo City kahapon ng madaling-araw.

Nangyari ang pagsa-bog habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga kinauukulan ng Jaro Police Station at pinahinto ang isang motorsiklo nang biglang tumakbo ang suspek na si Delphy Principe.

Agad naman itong hinabol ng mga awtoridad kung saan nasukol ito sa isang banyo sa apartment sa nasabing lugar.

Kinumbinsi ng mga pulis na sumuko ang salarin ngunit nang pasukin ito, biglang isang pagsabog ang naganap.

Dead on the spot si Principe habang sugatan naman si PO1 Christian Valerie Lava at kasama nitong si PO2 Fidel Mosquito.

Maliban sa granadang dala ni Principe, nakuhanan din ito ng 45 caliber pistol, siyam na pulgadang kutsilyo at perang nagkakahalaga ng P29,300.

Lumalabas sa pagsisiyasat, isang PRB423 grenade ang sumabog.

Kinumpirma naman ng mga kinauukulan na nahaharap ang salarin sa patung-patong na kaso ng pagnanakaw at pagpatay sa naturang lalawigan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.