Holdaper ng UV Express, Tiklo

NADAKIP NG Makati City Police ang isa sa apat na salarin sa panghoholdap sa UV Express.

Kinilala ni Makati City Police Chief Manuel Lukban ang suspek na si Rainier Magbantay, 26-anyos ng Quiapo, Maynila.

Ayon kay Lukban, nagsasagawa ng follow-up operation ang mga pulis sa C5-Kalayaan Avenue kaugnay sa dumaraming kaso ng panghoholdap sa mga UV Express nang namataan nila ang dalawang motorsiklo sakay ang mga salarin na nakabuntot sa isang UV Express.

Nakita ng mga pulis na bumaba ang angkas ng dalawang motosiklo at sumakay sa UV Express kaya sinundan kaagad nila ang mga ito.

Pagdating sa may Edsa-Kalayaan Avenue, nakumpirma ng mga pulis na hinoholdap na ang mga pasaheron ng nasabing UV Express.

Samantala, nagawang maaresto ang isa sa mga suspek na armado ng patalim habang nakatakas ang tatlo pang sakay ng motorsiklo.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.