Holdaper ng UV Express at Taxi sa C-5, Umatake na naman

MULING UMATAKE ang mga holdaper ng FX taxi at UV Express na dumaraan sa kahabaan ng C-5 Road.

Pinakahuling biktima ng mga ito ay mga pasahero ng FX taxi na may plakang TWY 697 mula sa Makati patungo ng Cainta, Rizal.

Natangay ang mga mamahaling relo at smartphones.

Base sa reklamo ng limang pasahero sa mga awtoridad ng Pasig, pasado alas-6:00 kamakalawa, sakay sila ng FX at patungo ng Cainta nang dalawa sa mga lalaking pasahero- isa’y nakaupo sa gitna habang sa likod naman ang pangalawa- ang bigla na lang naglabas ng balisong at nagdeklara ng holdap habang nasa ibabaw sila ng C-5 flyover sa Barangay Bagong Ilog.

Matapos malimas ang mga gusto nilang makuha sa mga pasahero, bumaba ang dalawa at sumakay sa nakabuntot na motorsiklo.

Tinutunton na ng mga kinauukulan ng Pasig ang mga salarin sa panghoholdap ng FX-taxi sa kahabaan ng C-5 nitong Araw ng Kalayaan. Namukhaan kasi ng mga biktimang pasahero sa rogues gallery ng pulisya ang isa sa dalawang salarin na nagpanggap na pasahero na nakilalang si Reiner Magpantay, residente ng Maynila.

Samantala, nabatid sa pagsisiyasat ng Pasig Police, kapi-piyansa lamang ni Magpantay sa Makati sa kasong robbery-holdup na nangyari sa kahabaan ng Kalayaan Avenue sa Makati bago mag-eleksyon noong Mayo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.