Holdaper ng mga nagde-date, arestado sa Granada

KALABOSO ANG ISANG holdaper na gumagamit ng granada para makapambiktima sa General Santos City kamakalawa.

Si Rene Timan, 20 anyos ng Malungon, Sarangani Province ay naaktuhan ni PO1 Galosote ng General Santos PNP na nagho-holdap sa Oval Plaza Park sa Roxas St. sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni SPO1 Aldwin David, officer-on-case, mula sa Pendatum PNP, gamit ng holdaper ang isang granada nang holdapin ang magka-sintahang sina Jenrose Palmis at Peter Paul Villarin sa nasabing lugar.

Gayunman, agad rumesponde si Galasote kaya naman hindi na nakapalag pa si Timan.

“Napansin ko na po ang kilos ng suspek na kakaiba kaya pasimple ko na siyang sinundan,” ayon kay Galosote.

Sinasabing may mga serye na ng pangho-holdap sa lugar kung saan puntirya ang mga magkasintahan na noo’y abala sa kanilang pakikipag-date.

Dahil dito, dalawang pulis na naka-civilian ang ginawang pain ng mga awtoridad upang mahuli ang suspek. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.