Holdaper, Nakilala Dahil sa Litrato

PINAGHAHANAP ANG isang holdaper kasama ang hindi pa kilalang lalaki matapos pasukin at holdapin ang kagawad ng barangay sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Bernard Dela Cruz, alyas Kingpin, nasa hustong gulang ng Bantayan, Banga, Meycauayan, Bulacan.

Sa ulat, alas-3 ng umaga nang pasukin ng mga suspek ang bahay ni Marino Dela Cruz, 54, sa Lingunan ng lungsod.

Kinuha ng mga suspek ang kalibre .40, tatlong cellphone at P3,000 ng biktima.

Papatakas na ang mga suspek nang magising ang katulong ng biktima na si Gina Buconsejo at nang humabol ay tinutukan ng baril ni Kingpin.

Hindi na nakakilos ang kasambahay na naging dahilan upang makatakas ang mga suspek.

Nang wala na ang mga suspek ay ginising ng kasambahay ang amo at nang malaman ng huli ang pangyayari ay nagsumbong sa mga pulis.

Nakilala ni Buconsejo sa photo gallery si Dela Cruz na naging dahilan upang hanapin.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.