Holdaper na CAFGU, tiklo

SWAK SA kulungan ang isang miyembro ng Citizen Armed Forces and Geographical Unit (CAFGU) na umano’y nanghoholdap sa mga pampasaherong jeep matapos itong mahulihan ng baril sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police habang nahaharap sa patung-patong na kaso ang suspek na si Caharoudin Tuano, 29, ng Phase 8-A, Package 1, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang maaresto ang suspek sa loob ng isang pampasaherong jeep sa kahabaan ng Phase 1, Bagong Silang.

Kasalukuyang nag-iikot ang mga awtoridad sa naturang lugar nang mapansin ng mga ito ang suspek na lulan ng isang pampasaherong jeep, kung saan ay nakabukol sa tagiliran nito ang dalang baril.

Dahilan upang sitahin ng mga pulis ang suspek at nang hanapan ng kaukulang dokumento ang dala nitong baril, wala itong maipakita kaya’t nagpakilala si Tuana na miyembro ng CAFGU.

Hindi pa rin nakalusot ang suspek sa kanyang paliwa-nag nang wala itong maipakitang lisensiya at nang dalhin sa himpilan ng pulisya, dito nadiskubreng na isa ito sa mga holdaper na gumagala sa naturang lugar na nambibiktima sa mga pasahero ng jeep. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.