Holdaper na Brgy. Tanod, Nabaril ng Pulis, Grabe

ISANG BARANGAY tanod ang kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan makaraan mabaril ng pulis matapos mangholdap ng isang pampasaherong dyip sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni PO1 Edwin Lapatag, ng Caloocan City PCP-6ang nabaril na suspek na si Alexander Bordoy, 29, ng Temporary Housing Bldg. Unit 80, Brgy. 128, Tondo Manila.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, bandang alas-2:00 ng umaga kahapon nang mabaril at malubhang nasugatan ang biktima sa kahabaan ng C-3 Road, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Lumalabas sa im-bestigasyon ng pulisya, isang pampasaherong dyip ang hinoldap ng biktima kasama ng tatlong ibang suspek at nang rumesponde ang mga pulis ay mabilis na bumunot ng baril si Bordoy subalit naunahan itong mabaril ng isa sa mga nagrespondeng pulis at tinamaan sa tiyan.

Kaagad namang dinala ng mga pulis ang biktima sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center kung saan ito ngayon ay inoobsernahan.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang nasabing himpilan ng pulisya upang ares-tuhin ang mga kasama ng nasugatan suspek.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.