Holdaper, Kulong sa Kagat ng Kapit-bahay ng Biktima

KULONG ANG isang holdaper matapos habulin at makagat sa kamay ng kapit-bahay ng biniktima ng una sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Loreto Arcilia, 29, ng Tawid Sapa, San Agustin ng lungsod.

Sa ulat, alas-4 ng umaga, nagpanggap na bibili ang suspek sa tindahan ni Julie Bailoca, 60, sa Llano Road., Llano ng lungsod at nang masigurong walang kasama ang huli ay naglabas ng patalim bago nagdeklara ng holdap.

Kinuha ng suspek ang dalawang cellphone at cash na P4,000 ng biktima bago tumakas subalit nakita ng saksing si Randy Valenzuela na naging dahilan upang humabol.

Nang maaubutan ay nagbuno ang suspek at saksi hanggang sa makagat ng huli ang kanang kamay ng una na hindi na binitiwan hanggang sa saklolohan ng mga kapit-bahay na naging dahilan upang pagtulungan si Arcilia.

Nabawi naman ang mga tinangay ng suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.