Holdaper, kritikal sa kasakay na pulis sa dyip

KRITIKAL ANG isang holdaper habang nakatakas ang kasama nang barilin ng pulis na kasakay sa bibiktimahing dyip sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Jamai Tuano, 18, ng Phase 1, Bagong Silang habang nakatakas ang kalugar na si Manguda Ali, nasa hustong gulang.

Sa ulat, alas-6:45 ng gabi, kasakay ni Sarah Mariano, 19, ang mga suspek at si PO1 Jullios Rabino sa dyip at pagsapit sa Main Road ng Phase 1, Bagong Silang ay naglabas ng patalim ang mga suspek.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone ni Mariano subalit nakabunot ng baril si Rabino bago pinutukan si Tuano.

Nang makita ni Ali na may tama ang kasama ay agad na nagtatakbo at nakatakas habang dinala naman sa JRH si Tuano at nabawi ang cellphone ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.