HOLDAPER GINAWANG CHICHARON

NAGMISTULAng chicharong-bulaklak ang mukha ng isa sa tatlong holdaper makaraang pagtulungan itong bugbugin ng taumbayan na nakahuli sa kanya nang puwersahang agawin nito ang bag at saksakin sa ulo ang biktima na isang Ginang kahapon ng umaga sa Marikina City.

Ang biktimang si Agnes de Vera, 43-anyos, negosyante ng New Marikina Subd. Brgy. San Roque ay personal na kinilala ang holdaper na si Feliciano Jordan 23, walang hanapbuhay at kasalukuyang naninirahan sa Palmera St., Brgy. Penafrancia Antipolo City habang ang dalawang kasamahan nitong nakatakas ay nakilala lamang sa mga pangalang Jr Gadigan at alias na Kavin na pawang taga-Cogeo ng nasabing lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, alas-7:10 ng umaga ay naglalakad ang ginang sa kahabaan ng Gil Fernando Avenue nang biglang lumabas ang tatlong suspek sa likuran ng biktima at agad na nagdeklara ng holdap.

Nabatid na pumalag ang ginang sa mga holdaper kung kaya’t agad na sinaksak sa ulo ng isa sa mga ito hanggang sa mabitiwan ng biktima ang kanyang shoulder bag na kulay brown na naglalaman ng P15,000.00 at isang Nokia cell phone at mabilis na nagtakbuhan sa magkakahiwalay na direksiyon.

Subalit hindi nawalan ng lakas ng loob ang ginang at nagawa nitong magsisigaw kahit na duguan ang kanyang ulo na nakatawag pansin naman sa mga bystander kung kayat hinabol nito ang holdaper na si Jordan na siya namang may hawak ng bag na naglalaman ng salapi.             (Romy Tuazon)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.