Holdapan sa fastfood chain, 2 bulagta

DALAWA ANG nasawi sa tangkang pangho-holdap sa isang fastfood chain sa Bayan-Bayanan, Barangay Concepcion Uno, Marikina, kamakailan.

Sinabi ng mga awtoridad na nagpanggap na kostumer ang apat na salarin saka dinisarmahan ang sekyung si Jericho Belarmino.

Kinuha ng mga ito ang pera ng mga kahera.

Nagawa naman ni Belarmino na makahiram ng baril sa sekyu ng katabing convenience store at hinabol ang mga papatakas na kawatan.

Naaktuhan ng Special Reaction Unit ng Marikina Police ang nasabing insidente at napatay sa engkwentro ang isa sa mga holdaper.

Samantala, napuruhan naman ng mga suspek si Belarmino.

Nakapang-agaw pa ng sasakyan ang tatlong nakatakas na salarin bagama’t narekober din ito sa bahagi ng East Drive at nakakuha ng isang balisong at magasin ng baril.

Sa ngayon, patuloy na tinutugis ng mga kinauukulan ang mga nakatakas na suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.