Holdapan, Lumalala sa Caloocan

LUBHANG NABABAHALA na ang mga residente sa Caloocan City sa lumalaganap na insidente ng holdap at snatching at bentahan ng ipinagbabawal na droga.

Ayon sa mga concerned citizen, halos saan mang dako ng lungsod ay laganap ang holdapan at snatching. Ang dahilan umano ay kawalan ng aksiyon ng pamunuan ng Caloocan City Police Station sa mga ganitong aktibidades.

Anila, mapapansin umano sa blotters ng nasabing himpilan ng pulisya na puro nakatala ang mga nagaganap na insidente ng holdapan at snatching.

Marami namang nakakalat na mga pulis sa langsangan subalit hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nakapambibiktima ang mga holdaper at snatcher, kung minsan ay pinapatay pa ng holdaper ang kanilang nabibiktima, dagdag pa ng mga residente.

Nagkikibit-balikat lamang daw ang Chief of Police na si P/Sr. Supt. Rimas Calixto, dahil wala umanong ginagawang aksiyon upang masugpo ang kaganapan ng holdap at snatching sa kanyang area of responsibility.

Dapat na sigurong pagtuunan na ng pansin ito ni Northern Police District director Chief Supt. Joel Alvarez at obserbahan na kung dapat pa bang manatili sa puwesto si Sr. Supt. Calixto.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.