Hokus-Pokus sa DoJ

HINDI PA MAN lumalabas ang de-sisyon ng Department of Justice (DoJ) ukol sa kasong syndicated at large-scale illegal recruitment, estafa at pagnanakaw laban sa mga opisyal at empleyado ng Samsung Electronics Philippines Corp. (SEPCO), tila pina-ngunahan na ito nina Justice Secretary Leila De Lima at Chief State Counsel Ricardo Paras III.

Matatandaan na kinasuhan ng Temps and Staffers Inc. (TSI) ang mga opisyal ng SEPCO dahil sa pamimirata nito ng 700 empleyado ng TSI.

Kinasuhan sina Kyung Chull Park, pangulo at CEO ng SEPCO, Boem Hee Lee, chief finance officer ng Samsung Philippines, Hae Lyong Kim, Glenn Martin Glinoga, Atty. Gabriel Matriano, Mary Anne Felipe, Benjamin Jimenez, Sherilyn Tan, Gerard Duremdes, Louie Liston, Angela Salvallon, Ricky de Guzman, Noel Dajao, Elaine Matito, Jeric Paloma and Maybelle Daloran.

Bukod dito, nag-isyu ng hold departure order at watchlist order ang DoJ laban sa mga suspek upang hindi sila makalabas ng bansa dahil may kinakaharap silang mga kasong kriminal dito.

Ngunit biglang nagbago ang ihip ng hangin at binawi ng DoJ ang mga order na ito.

Nag-isyu si Paras, na may basbas ni Secretary De Lima, ng isang order na bumabawi sa watchlist order para sa mga Pilipinong empleyado ng SEPCO na kasama sa kaso.

Ang nakapagtataka at nakakagulat ay tila dinesisyunan na ni Paras ang kaso.

Sa kanyang order, sinabi ni Paras na “it is the preliminary finding of the Department (of Justice)… that the cause of action of TSI is purely civil in nature”.

Ang ginawang “prejudgment” ni Paras sa kaso ay isang malaking pagkakamali dahil unang-una, hindi naman si Paras ang investigating state prosecutor na humahawak ng naturang kaso laban sa SEPCO.

Ayon sa isang source, hiningi ni Paras ang opinion ni Investigating Prosecutor Natilane Salvilla ukol sa watchlist order ngunit tumanggi ang huli na magbigay ng kanyang opinion dahil ito ay maaaring masabi na nagdesisyon na siya sa kaso.

Sa kabila ng hindi pagpayag ni Salvilla na magbigay ng opinyon, inilabas pa rin ni Paras ang order na nagbabawi sa watchlist order.

Ayon sa source sa DoJ, si Paras ay may bagong Toyota Altis. Ito rin ay may sakit kung kaya’t nangangailangan ito ng aabot sa P2,000 bawat araw para sa kanyang pagpapagamot.

Dapat maging seryoso ang ating pamahalaan sa lifestyle check na gagawin nila sa mga opisyal ng gobyerno lalung-lalo na sa DoJ.

Nakalulungkot at nakakasuka na malaman na may mga ganito tayong prosecutor. Kawawa naman ang Pilipinong kumpanya tulad ng TSI na tila talo agad sa kaso maski na wala pang desisyon.

Lumalabas na pinapaboran ng DoJ ang SEPCO sa kaso.

Nagtatanong pa ang source na, paano nga naman makaaasa ng hustisya ang mga mamamayan ng ating bansa kung mismong ang DoJ ay may ginagawang hokus-pokus sa mga kaso?

(Pinoy Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.