HK$1-M ang piyansa: CONG. SINGSON NAKALABAS NA

PANSAMANTALANG NAKALABAS SA kulungan sa Hong Kong si Ilocos Sur Representative Ronald Singson matapos na payagan ito ng isang korte sa Hong Kong na magpiyansa ng HK$1 milyon (katumbas ng halos P5.77 milyon) kaugnay ng kaso nito sa droga.

Ito ang ipinarating ni Marikina Representative Romero Federico Quimbo na dumalo sa nasabing pagdinig ng kaso kahapon sa Hong Kong bilang isang observer.

Mga ‘kaibigan’ ni Singson ang naglabas ng perang pampiyansa, na kinabibilangan ng mga Hong Kong national na siyang aako ng kustodiya sa mambabatas.

Gayunman, mananatili si Singsosn sa Hong Kong at hindi siya papayagan umalis sa dating kolonya ng United Kingdom, at kinakailangan siyang mag-report sa pulisya araw-araw.

Dumalo rin sa hearing kahapon ang ama ni Singson na si Ilocos Sur Governor Luis “Chavit Singson at ang rumored girlfriend nito na si Lovi Poe.

Nakatakdang dinggin ang kaso ni Singson sa Setyembre 7.

Ipinadala ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. sina Quimbo at Leonardo Palicte III ng House legal department sa nasabing pagdinig upang makakuha ng update sa kaso.

Sinabi ni Quimbo na gagawa siya ng ulat sa Speaker kaugnay ng aksiyon ng Hong Kong sa kaso at sa bahagi ng Kongreso kung kinakailangang isumite ang usapin sa ethics committee.

“The Speaker is very much concerned about the reputation of the House,” sabi pa ni Quimbo.

Inaresto si Singson noong July 11 sa Hong Kong dahil umano sa drug trafficking. Kinasuhan siya kaugnay ng Dangerous Drug Ordinance ng Hong Kong sa Tsuen Wan Magistracy’s Courts.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.