Hiwalayang Kim at Gerald, for a good cause!

TILA MAY KANYA-KANYA nang career path ang original loveteam na sina Kim Chiu at Gerald Anderson

dahil ‘di na nga sila pinagsasama sa iisang proyekto ng kanilang mother studio at binibigyan na ng

magkakahiwalay na trabaho para maipakita rin naman ang kanilang other side pagdating sa pag-arte.

Goodbye na sa pagpapa-cute at pagpapa-tweetums at panahon na para palabasin ang kanilang natatagong real talent, ‘yung galing nila sa acting kahit hindi na sila magkasama. Nauna nang nakatambal ni Papa Gerald si Jewel Mische sa Buhawi Jack at si Jessy Mendiola sa nalalapit

niyang primetime series na Budoy. Si Kim eh, nalalapit na ring itambal sa dalawang hunk young actors

na sina Matteo Guidicelli at Xian Lim sa Binondo Girl. Hindi pa tuluyang pinapatay ang tambalang Kimeralds, open pa ang dalawa na muling magsama sa future projects pero sa ngayon eh, oras na muna para mag-grow sila as a serious actors. Kaya para sa Kimerald fans d’yan, huwag naman kayong maging sobrang bayolente kung maghihiwalay man pansamantala ang inyong mga idolo, isipin n’yo na lang na “for a good cause” ang breakup ng dalawa, ok? May mga gusto pa kayang ipahatid ang mga taong involved?

Photos by Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

6 thoughts on “Hiwalayang Kim at Gerald, for a good cause!

Leave a Reply

Your email address will not be published.